Sunday , November 17 2024

3 stand up comedian, ‘di bumenta nang mag-show-abroad

NADALA raw ang isang show promoter makaraang dalhin sa ibang bansa ang tatlong Pinoy artists na ito. Wala sa attitude ng mga ito ang diperensiya, kundi sa flapey na pagtatanghal nila roon.

“Naku, sad na sad ang produ ng show ng tatlong stand-up comedian na kinuhang mag-show sa (pangalan ng bansa) kamakailan. Imagine ‘yung ginastos ng produ, talent fee nila, pamasahe, hotel at kung anik-anik pa, pero ‘Day, nilangaw ang venue ng show nila!” kuwento ng aming source tungkol sa kunsumidong show producer.

Dagdag nito, ”Ano ‘yung kesyo lumabas pa sa isang TV news na successful ‘yung show nila? Ang sabihin mo, silang tatlo lang ‘yung successful dahil sila ‘yung kumita pero hindi ‘yung namuhunan sa show nila!”

“Eh, paano ba naman dudumugin ng tao ‘yung show ng dalawang bading at isang masyobang babae na sinugalan ng produ? Pang-comedy bar lang ang talent nila, hindi sila appreciated ng audience kahit pa mas maraming Pinoy ang nanood sa kanila!”

Da who ang mga performer na ito na hindi mabenta sa  bansa na ang watawat ay isang uri ng dahon? ”Naku, kahit pangalanan ko pa sila, maibabalik ba ang nalugi sa produ?” mataray na sey ng aming source.

( Ronnie Carrasco III )

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *