Saturday , November 16 2024

Punto ng speech ni Duterte, hindi nakukuha ng media—Goitia

Inilinaw ni PDP Laban Policy Studies Group head at Membership Committee National Capitol Region chairman Jose Antonio Goitia na muling nawala sa konteksto si Pangulong Rodrigo Duterte nang ikompara ang sarili at ang kanyang giyera kontra droga kay Hitler at sa pagpatay sa 6 milyong Hudyo sa panahon ng Holocaust.

Ani Goitia, ang makulay na lengguwahe ni Duterte ay laging nabibigyan ng ibang kahulugan ng media kaya nababalewala ang konteskto at hindi nakukuha ang kanyang punto.

“Madaling intindihin ang reaksiyon ng international media dahil sensitibo ang Holocaust issue sa mga European at Jewish community. Makaraan ang 70 taon, hindi pa rin nakarerekober ang Kanluran sa kalupitan ng Holocaust na anim na milyong inosenteng Hudyo ang ipinamasaker ni Hitler,” diin ni Goitia na pangulo rin ng PDP Laban San Juan City Council.

Nilinaw ni Goitia na dapat pakinggan nang buo ang sinabi ni Duterte para maintindihan ang kanyang reaksiyon sa pagkondena ng United States at European Union sa giyera kontra droga na nagmamalasakit lamang siya sa pambansang interes kaysa reputasyon niya sa pandaigdigang komunidad.

Humingi na si Duterte ng paumanhin sa mga Hudyo sa buong mundo at inilinaw na magkaiba ang kanyang giyera kontra droga laban sa mga kriminal at salot sa lipunan sa Holocaust ni Hitler na idine-tine ang 6 milyong inosenteng Hudyo sa concentration camp at minasaker sa gas chamber.

“Nilinaw ng Pangulo na ang problema sa droga ang sanhi ng korupsiyon ng mga halal na opisyal sa buong bansa na nakahawa rin sa puwersa ng pulisya kaya naging katatawanan ang ating sistema ng hustisya,” dagdag ni Goitia.

“Ang problema sa droga ang tunay na malaking banta sa lipunan kaya nananawagan siya sa pandaigdigang komunidad na hayaan siya sa kanyang trabaho na maprotektahan ang mga inosenteng Filipino na nagi-ging biktima ng kriminalidad sanhi ng ilegal na gamot,” ani Goitia.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *