HINDI binibigyan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez ng special treatment sa Angeles City Police’s Station 6, pahayag ng police commander kahapon.
Sinabi ni Chief Inspector Francisco Guevarra Jr., si Fernandez ay inilipat sa bakanteng selda para sa mga babae bilang konsiderasyon.
Ayon kay Guevarra, kaila-ngan gumamit ng banyo si Fernandez kaya inilipat siya sa seldang may sariling banyo.
Aniya, maikokonsidera bilang special treatment kung si Fernandez ay hinayaang manatili sa opisina na mayroong air conditioning unit.
Sa nasabing selda ay makikita si Fernandez habang nakaupo sa sahig sa harap ng isang electric fan.
Ang 37-anyos aktor ay na-aresto nitong Lunes makaraan makompiskahan ng isang kilo ng marijuana sa checkpoint sa Angeles City, Pampanga.
Bagama’t inamin ni Fernadez na may dala siyang marijuana nang maaresto, iginiit niyang hindi sa kanya ang isang kilo ng damo na natagpuan sa kanyang sasakyan.
Aniya, maaaring inilagay lamang ito ng mga pulis sa kanyang sasakyan nang dumaan siya sa checkpoint.
2 LADY COPS NAG-SELFIE,
NASA HOT WATER
AALAMIN ng pamunuan ng pambansang pulisya kung anong polisiya ang nilabag ng dalawang babaeng pulis na nagpa-picture sa aktor na si Mark Anthony Fernandez makaraan maaresto kamakalawa sa Angeles City, Pampanga dahil sa isang kilo ng marijuana na nakita sa kanyang sasakyan.
Ayon kay PNP spokesperson, S/Supt. Dionardo Carlos, titingnan nila ang partikular na kasong nilabag ng dalawa habang suot ang kanilang uniporme nang magpakuha ng larawan sa narestong si Fernandez. Aalamin din ng PNP kung sa private FB account o PNP unit account ini-post ang na-sabing larawan.
Kaugnay nito, umapela si Carlos sa lahat ng pulis na hangga’t maaari ay iwasan ang ganitong kilos upang hindi ma-pulaan ang hanay ng pambansang pulisya.
Sa ngayon, ipinatawag na ang dalawang babaeng pulis ng pamunuan ng PNP Region 3 upang ipaalam sa kanila na hindi maganda ang kanilang ginawa. “Ang tinitingnan namin di-yan ay tamang paggamit ng uniporme habang suot nila. Posible sa tamang bihis.”
“Sisilipin natin kung may specific na polisiyang na-violate for having a picture with ano-ther person na at that time. But at this time, the person in that picture is still innocent until proven guilty by a competent court of law,” wika ni Carlos.