TULUYAN nang inaresto ng Albuera, Leyte PNP si Mayor Rolando Espinosa kahapon umaga.
Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, agad nilang isinilbi ang dalawang warrant of arrest laban sa alkalde makaraan nilang matanggap kahapon.
Ang unang warrant ay para sa possesion on illegal drugs na aabot sa 11.4 kg, habang ang ikalawa ay para sa illegal possesion of firearms.
Isinailalim sa mug shots at kinunan ng fingerprints si Espinosa, 54, bilang bahagi ng booking process, at isinailalim sa medical check-up.
Sa ngayon, hinihintay ang commitment order ng korte para maikulong nang tuluyan ang alkalde sa Baybay City sub-provincial jail.
Isinilbi ang warrant of arrest laban sa mayor dakong 8:30 am sa pangunguna ni Senior Supt. Franco Simborio, provincial director ng PNP Leyte.
Samantala, patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa anak ng mayor at kinikilalang drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.