Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 lady cops nag-selfie, nasa hot water

AALAMIN ng pamunuan ng pambansang pulisya kung anong polisiya ang nilabag ng dalawang babaeng pulis na nagpa-picture sa aktor na si Mark Anthony Fernandez makaraan maaresto kamakalawa sa Angeles City, Pampanga dahil sa isang kilo ng marijuana na nakita sa kanyang sasakyan.

Ayon kay PNP spokesperson, S/Supt. Dionardo Carlos, titingnan nila ang partikular na kasong nilabag ng dalawa habang suot ang kanilang uniporme nang magpakuha ng larawan sa narestong si Fernandez. Aalamin din ng PNP kung sa private FB account o PNP unit account ini-post ang na-sabing larawan.

Kaugnay nito, umapela si Carlos sa lahat ng pulis na hangga’t maaari ay iwasan ang ganitong kilos upang hindi ma-pulaan ang hanay ng pambansang pulisya.

Sa ngayon, ipinatawag na ang dalawang babaeng pulis ng pamunuan  ng PNP Region 3 upang ipaalam sa kanila na hindi maganda ang kanilang ginawa. “Ang tinitingnan namin di-yan ay tamang paggamit ng uniporme habang suot nila. Posible sa tamang bihis.”

“Sisilipin natin kung may specific na polisiyang na-violate for having a picture with ano-ther person na at that time. But at this time, the person in that picture is still innocent until proven guilty by a competent court of law,” wika ni Carlos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …