Saturday , November 16 2024

83-anyos ina pinatay ng anak

CAUAYAN CITY, Isabela – Inamin ng isang lalaki na dating mental patient, ang pagpatay sa kanyang sariling ina at itinapon ang bangkay sa ibang lugar.

Ayon kay PO3 Patrick Bumilac, imbestigador ng Diffun Police Station, ang bangkay ng 83-anyos lola na ibinalot ng kumot ay natagpuan sa daan sa San Isidro Paredes, Diffun, Quirino.

May natagpuang ID sa tabi ng lola na naging gabay ng pulisya sa pagsisiyasat sa pagpatay sa kanya.

Ayon kay PO3 Bumilac, pinuntahan nila ang address na Plaridel, Santiago City na nasa ID at nalaman nila na ang anak ng biktimang si Regina Gabot, ang pumatay sa kanya.

Inamin ng suspek na si Nestorio Gabot, sinakal niya ang ina sa pamamagitan ng sinturon. Nang malagutan ng hininga ang ina ay ibinalot ng kumot, isinakay sa tricycle at itinapon sa tabi ng daan sa Diffun, Quirino.

Habang sinabi ng mga kapatid ni Nestorio, galing na siya sa mental hospital sa Lunsod ng Tuguegarao.

Posible anilang sinumpong ang suspek dahil hindi nakainom ng maintenance medicine.

Dinala na ang suspek ng kanyang mga kapatid sa mental hospital makaraan aminin ang pagpatay sa kanilang ina.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *