Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Third Party, ‘di sesentro sa gay character

THE third party. In Angel Locsin’s life exists.

Ito ang tinuran ng mahusay na aktres sa tanong sa kanila nina Sam Milby at Zanjoe Marudo kung naranasan o nadaanan na ba nila sa isang relasyon nila ang ganoon.

“Mayroon! Kung kanino o sino ang karelasyon ko that time eh, sa akin na lang po ‘yun. Kung kaninuman eh, problema na po namin ‘yun. Pero tapos na. Dumaan na.”

Ayon naman sa nagsimula bilang indie director na si Jason Paul Laxamana, hindi ang tipikal na third wheel sa relasyon ang matutunghayan sa pagsasama-sama ng tatlong karakter niya.

“In a different light kasi may gay character. At hindi sa pagiging gay nito masesentro ‘yung panonoorin but sa relasyon nga nila kung paano silang magmahal sa isa’t isa. So, I don’t wanna call the attention of the LGBT. Kumbaga, normal na pagmamahalan sa isang relasyon ke babae, lalaki o bakla. Kaya light lang ang gusto naming atake ng romantic-comedy.”

Ginawa ni Angel ang pelikula pagkatapos ng kanyang operasyon muli sa likod pero hindi napansin ng mga katrabaho niya kung may dinaramdam siya dahil masaya lagi ito sa set.

In doing the film, may mga nasagot pa ring tanong si Angel tungkol sa pagmamahal. If it’s a go or a sacrifice.

“Depende rin sa tao kasi how he would see it. Kung ipaglalaban ba niya at magtitiis pa or mas pipiliin na lang niya na umalis na lang and move on.”

Ibang ‘laro’ ng romcom royalties ang The Third Party showing on October 12 mula sa Star Cinema!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …