Tuesday , January 7 2025

QCPD nakadalawa na sa showbiz

HINDI man napiga ng Quezon City Police District (QCPD) ang naarestong si dating sexy star na si Sambrina M., para ikanta kung sino-sino ang mga parokyano niyang artista sa droga, hindi ito kawalan sa pamunuan ng pulisya.

Sa halip, pinatunayan pa rin ng QCPD na pinamumunuan ni Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, na malawak ang intelligence network ng pulisya sa pangangalap ng impormasyon  sa mundo ng showbiz sa mga gumagamit ng ilegal na droga at higit sa lahat mga nagbebenta ng droga  sa kapwa artista.

Isa ngang unang patunay, ang pagkakahuli ni Sabrina M., nitong nakaraang linggo at ngayon naman ang kontrobersyal na si Krista Miller, isa pang sexy star.

Si Miller o Krystalyn  Engle y Bacolod, 26,  sa tunay na buhay, ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng District Special Operation Unit (DSOU) at  Project 4 Police Station (PS8)  nitong Biyernes, Setyembre 30, 2016 ng gabi sa isinagawang buy-bust operation.

Ayon kay Eleazar, hindi man ikinanta nina Sabrina M., at Philip Salonga, kapwa pinaniniwalaan ng QCPD na nagtutulak ng droga sa mga artista, si Miller, kapado pa rin sila ng QCPD.

Sa intel na nakalap ng QCPD, positibo si Miller sa pagtutulak kaya siya ay kanilang minanmaman. Nang magkaroon ng pagkakataon, dinakip si Miller sa buy-bust operation na isinagawa sa Valenzuela City.

Ani Eleazar, right connect lang ang kanilang kinailangan para mahuli si Miller.

Bago nadakip si Miller,  naunang nadakip ng PS 8 ang dalawang modelong babae  na lumabas na rin sa magazine na FHM. Nadakip ang dalawa kasama ang tatlo pang lalaki sa buy-bust operation sa Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Ang dalawang modelo ay kinasuhan (lang) ng possession ng drug paraphernalia dahil hindi nakompiskahan ng droga. Ang mga kasama nilang lalaki ang nakuhaan ng droga. Umamin ang dalawa na gumagamit sila pero nagnegatibo ang kanilang drug test.

Sa imbestigasyon, ikinanta ng dalawang babae na si Krista ang kinukuhaan nila ng shabu kaya isa pang buy bust operation ang ikinasa laban sa sexy star.

Sa direktiba ni Eleazar, agad ikinasa ng DSOU na pinaumunuan ni Supt. Rogarth Campo at ng PS 8 ang buy-bust laban kay Krista na nagresulta sa pagkaaresto nila sa sa Gen. T.  De Leon St., Brgy. General Tiburcio De Leon, Valenzuela City. Si Krista ay residente ng Valenzuela.

Aba’y nakadalawa na ang QCPD pagdating sa larangan ng showbiz – dalawang babaeng artista. Sila man ay laos na artista, hindi ito mahalaga, sa halip, makikitang positibo ang mga impormasyon o intel report ng QCPD pagdating sa impormasyon sa ilegal na droga laban sa ilang artista.

Kaya, sa mga artistang kasama pa sa talaan ng QCPD kaugnay sa pagtutulak ng droga, sumunod na kayo sa panawagan ni Eleazar na sumuko para hindi kayo makasuhan. Huwag na ninyong hintayin na may ikasang operasyon laban sa inyo. Mahaba-haba este maiksi lang naman ang listahan ng mga pangalan ng  artista sa QCPD  drug watchlist.

Suko na at ‘wag nang hintayin pang makaladkad kayo.

Sr. Supt. Eleazar, sampu ng inyong mga opisyal at tauhan sa QCPD, congrats!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *