Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapakuha ng picture kay Maine, may bayad na P20

SA hirap ng panahon ngayon, may mararating na rin ang halagang P20. Sampol lang ito ng mga bagay na kasya sa P20: halos tatlong sakay sa jeep with minimum fare, kalahating kilo ng NFA rice, isang one-way MRT ride mula EDSA Pasay Rotonda hanggang Boni Ave.

Nakatatawa kasing malaman na bawat pagpapakuha pala ng litrato kay Maine Mendoza ay P20 ang katapat. In fairness, ang pondong malilikom naman ay mapupunta sa isang institusyon ng mga matatanda o elderly.

We cannot help but raise the argument tungkol sa kapasidad na pinansiyal ni Maine para hindi na niya iasa pa sa kanyang mga tagahanga ang donasyon intended for that noble cause.

Bakit hindi maglaan si Maine kahit maliit na porsiyento mula sa kanyang mga kinikita? She has several sources of income na puwedeng pagkunan nito.

Tapos, na kanino ang credit? Hindi ba’t more than the fans whose pockets ay nabutas, kay Maine mapupunta ang kredito o pasasalamat?

Dekada sitenta nang maglunsad din ang mga Noranian ng isang fund-raising drive na tinawag na Mamera Para Kay Nora. Ito’y para sa benepisyo ng National Mental Hospital na ang nalikom na pera ay umabot sa P1-M.

Maaaring iba ang panahon noon sa kasalukyan, may halaga pa kahit paano ang mamera o isang sentimo. Pero kompara sa P20 ngayon na may mararating na, charging her fan that amount sa bawat picture-taking is a bit too much.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …