HANDANG magbitiw si PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa sa kanyang puwesto kung hindi magtatagumpay ang kanilang anti-illegal drug campaign.
Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag nang bisitahin ang Ilocos Norte Police Provincial Office.
Sa talumpati niya sa kanyang mga tauhan, sinabi ng PNP chief, seryoso ang PNP sa kanilang kampanya lalo sa ilegal na droga at kriminalidad.
Binigyang-diin ni Dela Rosa, siya ay magbibitiw sa puwesto kapag hindi nagtagumpay ang kanilang kampanya.
Nagbabala si Dela Rosa sa police scalawags na magbitiw sa kanilang puwesto kung magpapatuloy sa kanilang illegal drug trade.
Ibinunyag ng PNP chief, ilan sa police officials sa Ilocos Norte ay nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.