Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug war ni Digong suportado ng EU

SA kabila ng “verbal attack” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union (EU), patuloy na susuportahan ng politico-economic union ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, katunayan dito ang patuloy nilang pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DoH) para pag-usapan ang paglaban sa drug abuse sa bansa.

Nagbigay na rin aniya ang Union ng P3 bilyon sa DoH na bahagi ng kanilang general development cooperation program.

“Indeed, we are supporting the Philippines on many different fronts. We are working closely with the Department of Health on fighting drug abuse in the Philippines. Our initial support concentrates on one area where we, the EU, has outstanding strength; namely identification of International and National best practices in drug treatment practices. Our support to the Department of Health falls under our general development cooperation programme. Every year the EU supports developments in the Philippines to the tune of P3 billion,” ani Jessen.

Dagdag ni Jessen sa kanyang sulat na naka-post sa facebook account ng EU, ang drug abuse ay isang “shared problem” at mayroon itong international at national dimensions.

“The EU and our work in the Philippines continued to draw headlines during the past week,” dagdag ni Jessen.

Bukod dito, nakipagkita si Jessen kay Secretary Jesus Dureza ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), para pag-usapan kung paano sila makatutulong sa pagpapatupad ng peace agreement sa Mindanao.

Nabatid na nakatikim nang maaanghang na salita ang European Parliament mula kay Pangulong Duterte nang nag-isyu ng resolusyon para agad maglunsad ng imbestigasyon kaugnay ng lumulobong death toll sa bansa dahil sa kampanya ng administrasyon kontra ilegal na droga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …