PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na huwag makikinig sa human rights (groups) sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ang human rights ay palagi namang kontra o anti-thesis ng gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi nag-iimbestiga ang Human Rights Commission (CHR) kung pulis ang namamatay kahit araw-araw pa.
Kanyang tinitiyak na siya ang bahala sa mga pulis lalo ang mga madidisgrasya at manggagaling ang pera sa Office of the President (OP).
“Now it’s a bit peaceful to work anywhere sa Manila. Huwag kayong makinig diyan sa human rights because ang human rights is always the anti-thesis of government. Kaya sila hindi mag-iimbestiga kung pulis na araw-araw, namamatayan rin ako ng pulis. I have to go to Samar to condole— Pero ang pulis, sa akin watch, ngayon, automatic ‘yan. Pag ka, huwag sanang mangyari. Pero we have to establish the rules. Pag nadisgrasya, P20,000 immediately. May… wala akong pakialam sa benefits. Office of the President. Ang pera ng gobyerno, ang gobyerno ginagamit mo ‘yan. P20,000 immediately ibigay ‘yan then 250,000. Totoo,” anang Pangulong Duterte.