PINAALALAHANAN ni foreign affairs secretary Perfecto Yasay ang United Nations (UN) na mayroong mandato si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa sambayanang Pilipino at ang daidig ay hindi dapat na ‘makialam’ sa kampanya nito laban sa krimen.
Sa taunang U.N. General Assembly, sinabi ng kalihim na ang pamahalaang Duterte ay “determinadong palayain ang bansa mula sa korapsyon at iba pang masasamang kalakaran, kabilang na ang paggawa, distribusyon at paggamit ng ipinagbabawal na droga.
“Our actions, however, have grabbed both the national headlines and international attention for all the wrong reasons,” pahayag ni Yasay.
“We urge everyone to allow us to deal with our domestic challenges in order to achieve our national goals without undue interference,” dagdag pa nito.
BInabatikos si Pangulong Duterte sa umano’y tumataas na bilang ng mga napapaslang sa kampanya laban sa droga, o mga extrajudicial killing.
Idiniin ni Yasay na nanalo si Duterte sa huling halalan sa “unprecedented and resounding electoral mandate” at ang mandato nito’y mula sa 92 porsyentong approval rating.
“To him, this trust is sacrosanct,” pinunto nito. “It cannot be breached, under no circumstance must it be compromised.”
TInukoy pa ni Yasay na kabilang sa core values na nakapaloob sa Saligan Batas ng Pilipinas ang mandatong ‘magsagawa ng independent foreign policy’ para maisulong ang interes ng sambayanang Pilipino.
Kasabay nito, sinabi rin ng kalihim na mananatili ang PIlipinas na responsableng kabahagi ng pandaigdigang komunidad na may pananalig sa paghahari ng batas.
“”Our domestic concerns compel us to partner with like-minded countries in the areas of maritime security, counter-terrorism, disaster response, and transnational crime,” pagtatapos ni Yasay.
ni Tracy Cabrera