Wednesday , May 14 2025
coco martin FPJ

FPJAP, mas kapana-panabik sa mga susunod na tagpo

MAS kaabang-abang at kapana-panabik ang mga magaganap sa mga susunod na tatlong buwan ng FPJ’s Ang Probinsyano. Ito ang tiniyak ni Coco Martin sa presscon nito kasabay ang isang taong pagdiriwang ng teleserye.

Ani Coco, may mga mabubunyag na sikreto sa ilang karakter na napapanood sa teleserye.

“Mula ngayon hanggang sa December, ‘yung napakatagal na hinihintay ng manonood, ngayon mabubuksan ang totoong kuwento ng nangyari. Itong three months na ito rito na po tatakbo ang kung ano ang mga totoong sikreto ng bawat character,” ani Coco.

“Kaya nga po sisiguraduhin namin na sa loob ng tatlong buwan hinding-hindi kayo bibitaw dahil ito ‘yung pinakamatagal ng hinihintay ng mga tao na gusto nilang makita at malaman kung ano ang totoo,” giit pa ng actor.

Samantala, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-unang taon ng Ang Probinsyano, magkakaroon sila ng thanks giving concert sa  October 8 sa Araneta Coliseum. Makakasama nila sina Vice Ganda, Nadine Lustre,James Reid at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *