Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, boyfriend material para kay Yassi

HINDI itinanggi ni Yassi Pressman na mas naging close sila ni Coco Martin simula nang gawin niya ang FPJ’s Ang Probinsiyano. Kaya naman natanong ang aktres kung may posibilidad para sa magkaroon sila ng real-life romance.

Nangingiting sagot ng dalaga, ”Hindi ko po alam. Basta ang alam ko lang po, si Coco ay napakabait, napaka-passionate, napaka-hard working.”

Sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano lang nagkita at nagkakilala sina Yassi at Coco. At dahil sila ang madalas na magka-eksena hindi nga naman nakapagtataka kung maging close ang dalawa.

“Roon ko lang po sa set siya nakilala. Sobrang mabuting tao pala niya,”sambit nito.

Natanong din ang aktres kung “boyfriend material ba si Coco.

“Masasabi kong oo. I’m pretty sure na masasabi rin naman ‘yon ng lahat ng tao dahil maasikaso naman po talaga si Coco,” giit pa ng aktres na ginagampanan ang isang TV reporter sa FPJAP.

Isa na ngayon si Yassi sa mga regular cast member ng isang taon nang seryeng FPJAP kasama sina Susan Roces, Jaime Fabregas, Albert Martinez, Arjo Atayde, at Eddie Garcia.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …