IDINEKLARA ang chikungunya outbreak sa Indang, Cavite.
Ayon sa ulat, mahigit 400 kaso ng chikungunya ang naitala sa nasabing lalawigan ngayong taon, karamihan ay naganap sa Indang.
Ayon sa nakaraang panayam kay Department of Health (DoH) Spokesperson Eric Tayag, magkakaparehong tipo ng lamok ang nagdudulot ng chikungunya, dengue at zika viruses.
Aniya, ang kampanya laban sa zika ay kampanya rin laban sa chikangunya at dengue.
“Hindi po (nakamamatay ang chikungunya), mas matakot po tayo sa dengue,” pahayag ni Tayag.
Ayon sa World Health Organization (WHO) “chikungunya is characterized by an abrupt onset of fever frequently accompanied by joint pain.”