PUMASOK na sa loob ng Philippine area of responsibility ang bagong bagyong Igme.
Huling natukoy ng Pagasa ang bagyo sa layong 1,380 km east ng Casiguran, Aurora.
Lumakas pa si “Igme” na umaabot na sa 100 kph ang lakas ng hangin malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin sa 125 kph.
Kumikilos ito sa direksiyon na northwest sa bilis na 25 kph.
Una nang sinabi ng Pagasa, hindi direktang tatama sa alin mang bahagi ng Filipinas ang sentro ng bagyo.
Tinataya na sa loob ng 600 km diameter ng bagyo ay maaaring makaranas ng “moderate” hanggang malalakas na pag-ulan.
Madaling araw ng Lunes, tinatayang ang bagyo ay nasa 985 km east na ng Basco, Batanes.