Saturday , November 16 2024

Armas ng ASG narekober sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Narekober ng militar ang  matataas na kalibre ng mga baril, bala at mga eksplosibo sa kamakalawa sa Brgy. Katipunan, Tuburan sa lalawigan ng Basilan.

Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), pag-aari ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) ang nakuhang mga kagamitan.

Kabilang sa mga narekober ang isang unit ng M14 rifle na may walong magazines at 39 bala; M16 rifle at dalawang long magazine, walong short magazine na may walong bala; apat  rifle grenade, binocular, dalawang bandolier, pair combat boots at isang hammock.

Nagsasagawa ng patrolya ang mga sundalo ng 7th Scout Ranger Company sa pangunguna ni Lt. Serrano kasama ang tropa ng 14th Scout Ranger Company sa pangunguna rin ni Cpl. Francisco, nang mamataan nila ang ilang kahina-hinalang lalaki sa hindi kalayuan.

Pinaputukan ang mga sundalo ng mga bandido saka tumakbo sa karatig na kabahayan at tumakas palayo.

Nagsagawa ng pursuit operation ang mga sundalo laban sa mga tumakas na Abu Sayyaf at narekober ang naiwan nilang mga kagamitan.

Patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang mga tumakas na ASG.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *