Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8-anyos B’laan patay sa kalaro (Akala’y toy gun)

DAVAO CITY – Patay ang 8-anyos batang B’laan na naglalaro ng baril-barilan sa kamakalawa sa Datal Detas, Kolonsabak, Matanao, Davao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Joel Lasib, naninirahan sa nasabing lugar.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 11:00 am. habang naglalaro ang biktima kasama ang kanyang mga kapatid, pinsan at mga kapitbahay.

Ayon sa ulat, kumuha ng .22 kalibre ng baril sa kanilang bahay ang pinsan ng biktima na si alyas Jong-jong at tinutukan sa ulo si Lasib.

Ngunit pumutok ang baril at tinamaan ang biktima sa noo at tumagos ang bala sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Naglunsad ng imbestigasyon ang Matanao Police, ngunit agad pumagitna ang tribal leaders upang patuloy na mangingibabaw ang kapayapaan sa kanilang lugar.

Sinasabing hindi alam ng kalaro na tunay na baril ang ginamit sa baril-barilan.

Iniimbestigahan pa kung sino ang nagmamay-ari sa baril.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …