TARGET ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (NDF-CPP-NPA) na malagdaan ang final peace agreement bago matapos ang Hulyo 2017.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, chief ng government peace panel, ang unilateral ceasefire ay gagawin nang bilateral at permanent.
Ito’y para wakasan ang “hostility” sa pagitan ng mga NPA at tropa ng pamahalaan.
Natutuwa aniya si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng pulong nila sa Malacañang ng mga opisyal ng NDF-CPP-NPA dahil napagkasunduan na tatapusin ang peace talks sa kalagitnaan ng 2017.
Ayon kay Atty. Bello, susunod na tatalakayin ang tinawag niyang “puso at diwa” ng peace process, ang social economic reforms.
Pag-uusapan din ang genuine land reform, national industrialization at foreign policy ng pamahalaan.
Ipinaliwanag niyang kahit magpirmahan ng peace agreement ang magkabilang panig, kung patuloy ang paghihirap ng maraming Filipino at kababayan, hindi malulutas ang problema sa insurhensiya.