TINUTUTUKAN ng PNP-CIDG sa kanilang imbestigasyon ang pagtukoy kung sino ang nagpasimuno ng riot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) nitong Miyerkoles ng umaga.
Ayon kay PNP-CIDG Director, Chief Supt. Roel Obusan, tapos na sila sa pagkausap sa mga biktima at testigo sa naganap na kaguluhan ng high profile inmates na sina Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy at dating Chief Inspector Clarence Dongail at ang napatay na si Tony Co.
Nakuhaan na nila ng testimonya ang mga taong sangkot sa kaguluhan sa loob ng maximum security cell partikular si Sebastian.
Anila, kailangan na lamang nila ng tatlong magkakatugmang pahayag mula sa mga suspek at testigo para mabuo ang kanilang report.
Kinompirma ni Obusan na hawak na nila ang kopya ng kuha ng CCTV sa loob ng Building14.