Monday , December 23 2024

Expired na mamon ipinakain sa isang bus na senate media ng PR ni Sen. Win Gatchalian

Iniismol ba ng PR team ng Department of Energy (DOE) at tanggapan ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga katoto natin sa media?!

Isang sumbong ang natanggap natin mula sa Se-nate media (hindi galing sa reporter at photographer ng pahayagang ito) na bukod sa inubos ang oras nila, ginutom at pinakain sila ng expired na pagkain ng PR team ni Senator Sherwin Gatchalian at ng DOE.

Expired na Mamon with pineapple juice and bottled water na supposedly ay dinner na…

Ganyan din ba ang dinner ng PR team ni Gat-chalian nang gabing iyon?

Nangyari po iyan noong Setyembre nang dalhin sila sa Morong, Bataan para ipakita ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na pinagtatalunan ngayon kung paaandarin ba o tuluyan nang gagawing ‘white elephant’ sa tuktok ng sabi ay daan-daan taon nang natutulog na bulkan — Mt. Natib.

Huwag na natin pag-usapan kung itutuloy ba ‘yan o hindi…

Ang gusto nating sabihin, bakit may mga umeepal na PR groups na ginagawang timawa ang mga lehitimong media men.

Bakit ba, mga mambabatas ang nagsasalita kung itutuloy o hindi ang operation ng BNPP?

Mga scientist ba sila o nuclear engineer kaya, para sila ang magsalita para riyan?!

Napag-aralan ba nila nang husto  ang pros and cons niyan?!

At bakit kailangang may PR?!

Grabe!

Ngayon pa lang nakikita na natin na parang gustong bumaha ng kuwarta sa usapin pa lang kung itutuloy o hindi?!

Puwede ba, magsalita ang dapat magsalita?!

Parang dinidiktahan lang ng mga senador na ipi-nangba-blackmail ang budget para sa DOE?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *