Tuesday , April 15 2025

ASG members ‘sabog’ sa shabu

ZAMBOANGA CITY – Sentro rin sa kalakaran ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) ang ilegal na droga na kanilang ginagamit sa kanilang operasyon sa mga lalawigan ng Sulu, Basilan at iba pang mga karatig na lugar.

Ayon sa Joint Task Force Sulu, ito ay base sa nakukuha nilang mga impormasyon at nabatid na isa ang droga sa mga pinagkukunan nila ng pondo para sa pag-recruit ng mga kabataan na sumali sa kanilang grupo.

Bukod dito, lulong anila sa droga ang mga bandido kaya hindi natatakot sa pakikipaglaban sa mga sundalo sa mga bulubunduking lugar.

Ganito rin ang rebelasyon ng mga naging biktima ng pagdukot ng Abu Sayyaf na tuluyan nang nakalaya.

Isa na rito ang Indonesian kidnap victim na si Herman Bin Manggak na kamakailan lamang ay nakalaya mula sa kamay ng Abu Sayyaf.

Ayon sa kanya, nakikita niya mismo kung paano gumagamit ng shabu ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf na siyang nagbabantay sa kanya.

Nakarekober ng mga shabu at mga drug paraphernalia ang mga sundalo sa mga nahuhuli at napapatay nilang mga Abu Sayyaf members.

Naniniwala ang militar, ang “proliferation” ng ilegal na droga sa ZAMBASULTA area (Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi) ay may koneksyon sa kalakaran ng Abu Sayyaf na may kaugnayan din sa malalaking drug lords sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *