BAHAGYANG bumagal ang bagyong may international name na Chaba habang papalapit sa Philippine area of respnsibility (PAR).
Ayon sa ulat ng Pagasa, huli itong namataan sa layong 2,205 km silangan ng Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 95 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Bagama’t hindi ito inaasahang tatama sa alin mang bahagi ng Filipinas, maaari pa rin nitong mapaigting ang mga pag-ulan dahil sa paghatak sa habagat.