Tuesday , April 15 2025

Sebastian, Dayan, 2 gov’t officials pinadalhan ng subpoena (Sa House probe)

PORMAL nang nilagdaan ang subpoena para sa apat pang saksi sa imbestigasyon ng House committee on Justice hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Inianunsiyo ni Justice committee chairman Reynaldo Umali, kanilang ipatatawag sa Oktubre 5 sina Jaybee Sebastian, sinasabing  nangolekta ng pera sa loob ng Bilibid para sa pagtakbo ni noo’y Justice Sec. Leila de Lima sa Senado; Ronnie Dayan, ang dating driver ng senadora; dating Bureau of Corrections director Franklin Jesus Bucayu; at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) executive director Reginald Villasanta.

Ayon kay Umali, nakagawa na sila ng imbitasyon at nakapagbigay na rin ng notice sa nasabing mga saksi.

Dagdag niya, hiniling mismo ng Department of Justice na padalhan ng subpoena si Sebastian kahit hindi na kailangan dahil suspendido na ang kanyang civil rights.

Iginiit ni Umali, magpapatuloy pa rin ang kanilang pagdinig kahit hindi makadalo si Sebastian sa susunod na linggo dahil sa kondisyon makaraan masangkot sa nangyaring riot kamakalawa sa Bilibid.

Ngunit binigyan-diin ng kongresista, kailangan dumalo ni Sebastian sa mga susunod na pagdinig lalo pa’t bumubuti na ang kanyang kondisyon.

Magkakaroon ng pagdinig sa Oktubre 6 at 7.

About hataw tabloid

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *