Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 inmates sa Bilibid ‘riot’ 5-araw pa sa hospital

POSIBLENG tumagal pa ng limang araw sa ospital ang high-profile inmates na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy makaraan ang naganap na riot kamakalawa sa Building 14 ng New Bilibid Prisons (NBP) na ikinamatay ng isang inmate na si Tony Co.

Ngunit ayon sa mga doktor sa Medical Center Muntinlupa (MCM), bagama’t stable na ang kalagayan ng tatlo ay patuloy pa rin silang inoobserbahan dahil sa mga saksak at sugat.

Si Co at Sebastian ay isinailalim na sa operasyon para tanggalin ang dugo at hangin sa kanilang baga at chest cavity.

Si Sebastian ay tinamaan ng saksak sa dibdib, braso at kamay habang si Co ay nasaksak sa dibdib, at si Sy ay nasaksak sa likod at tagiliran.

Sa ngayon, ang immediate family members muna ang pinapayagang pumasok sa silid ng inmates.

Mahigpit pa rin ang seguridad sa pagamutan na bantay sarado ng mga personnel ng Philippine National Police-Special Action Force at Bureau of Corrections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …