MUKHANG tahimik ngayon ang Viva Entertainment, ang kompanya ni Boss Vic del Rosario.
Around this time last year kasi ay nasa stage sila ng pagbubuo ng mga programa in partnership with TV5. Nag-full blast nga ang Viva sa simula ng 2016 sa mga sabay-sabay at sunod-sunod na inihain sa publiko, pero isa-isa ring nangawala ang mga ito.
Sa TV5 pa rin kaya magpo-prodyus si Boss Vic? Ano na rin ang nangyari sa kanilang contract artists?
Isa si AJ Muhlach sa mga Viva stars na kamakailan ay napanood sa Eat Bulaga. Si Mark Neumann, although isang TV5 homegrown talent, ay lumabas din sa mga Viva TV-produced shows pero nasa GMA na rin.
With the “disappearance” of Viva, may niluluto lang kaya itong pasabog na dapat nating abangan?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III