INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, napunta kay Senator Leila de Lima ang nawawalang P300 milyon nakompiska sa isinagawang raid sa New Bilibid Prison noong Disyembre 2014.
Nauna rito, sinabi ni Aguirre, itinanggi ng isang preso at intelligence officer, na tanging P1.6 milyon cash lamang, kundi mahigit P300 milyon ang nakompiska mula sa mga preso sa maximum security compound na sinalakay noong Disyembre 15, 2014.
Nang tanungin kung saan napunta ang nasabing halaga, sinabi ni Aguirre, ayon sa testigo: “Kay Secretary De Lima daw nga.”
“‘Yan ang sagutin mo Secretary De Lima. Masyado kang yakyak nang yakyak,” pahayag ni Aguirre.
“Kapag ganoon ang tao, nawawala na sa katuwiran. Hindi puwedeng magdepensa sa sarili nang walang pruweba,” aniya pa.
Si De Lima pa ang kalihim ng DoJ nang isagawa ang nasabing pagsalakay sa NBP.