HINAMON ni Senadora Leila de Lima nitong Miyerkoles si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto na siya, ngayon na agad, sa gitna ng mga akusasyong kasabwat siya sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
“Tama na. Hulihin ninyo na ako ngayon. ‘Yun naman talaga gusto ninyo. Ikulong ninyo na ako ngayon. I’m here. Do what you want to me, Mr. President. I will wait for you,” pahayag ni De Lima.
Giit ng Senadora, hindi siya aalis at tatapusin niya ang laban dito sa bansa. “I want to fight here in my country.”
Naging emosyonal si De Lima sa isang press briefing sa Senado, at idinagdag pa niyang hina-harass siya at ang kanyang staff mismo, ng pamahalaan.
“I feel so helpless,” dagdag niya.
“Hindi po ako duwag dahil wala akong kasalanan; ‘yung mga nagtatago lamang, mga duwag ang umaatras.”