Friday , November 15 2024
ronald bato dela rosa pnp

Dela Rosa planong ipatumba ng ‘kabaro’

AMINADO si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, wala siyang tiwala sa mga drug lord na tumetestigo ngayon sa Department of Justice (DoJ) kaugnay sa nagaganap na illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Dela Rosa, hindi siya naniniwala na wala silang nilulutong plano laban sa kanya kapalit ang kanyang buhay.

Ayon sa PNP chief, imposible na hindi sila nag-iisip o nagpaplano na ipapatay siya gamit ang mga gun for hire sa labas ng Bilibid kahit pa nakikipagtulungan sila sa DoJ para sa imbestigasyon.

Ibinunyag din ni Dela Rosa, ang kanyang mga kabaro na nasasangkot sa ilegal na droga ay nagbabanta rin sa kanyang buhay.

Pahayag ni Dela Rosa, nakatatanggap sila ng impormasyon na may heneral na yumaman sa ilegal na droga ang ngayon ay nagpopondo para siya ipatumba.

Isang malinaw aniyang patunay nito ang mga ikinantang pangalan ng mga opisyal ng PNP nang sumukong drug lord na si Franz Sabalones.

Karamihan aniya sa mga pulis ay may kaugnayan o mga dating bata ni retired Deputy Director General Marcelo Garbo.

Sa ngayon, pinakikilos ni Dela Rosa ang IAS at CIDG para maimbestigahan ang mga pulis na itinuturo ni Sabalones.

BILIBID RIOT IKINAGULAT NG PNP CHIEF

INIHAYAG ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang kanyang pagkagulat kaugnay sa naganap na riot sa Bilibid kahapon.

“Yes, nagulat ako bakit sila nagpapatayan, pahayag ni Dela Rosa sa mga reporter sa sidelines ng Asian Defense, Security, and Crisis Management Exhibition and Conference sa Pasay City.

“Meron tayong investigation na ginagawa. I hope they will come up with a very good investigation, result in their investigation kung ano ang nangyari roon,” aniya.

PNP-CIDG PASOK SA IMBESTIGASYON

NAKAHANDA ang mga opisyal ng PNP-CIDG na imbestigahan ang nangyaring riot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon ng umaga na ikinamatay ng isang drug lord habang tatlo ang sugatan.

Ayon kay PNP-CIDG spokesperson, Supt. Elizabeth Jasmin, nakahanda silang tumulong kung kailangan at hilingin ang kanilang tulong.

Ngunit ayon kay Jasmin, hanggang ngayon ay wala pang galaw ang kanilang mga opisyal at tauhan hinggil sa naganap na “mini-riot” sa NBP.

Sa kabilang dako, tahimik ang pamunuan ng PNP Special Action Force (SAF) kaugnay sa insidente.

Ang SAF ang nangangasiwa ngayon sa seguridad sa loob ng Bilibid.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *