NAGWAGING Audience Choice and Gender Sensitivity Awards sa nakaraang Quezon City Filmfest ang pelikulang prodyus ng TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, at Artikulo Uno Productions) ang idinireheng pelikula ni Mihk Vergara, ang Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo.
Ang pelikula ring ito ay isa sa standout features sa QCinema Filmfest na nakapag-uwi ng maraming pagkilala. Dahil sa inspirasyon ng filmmaker sa Japanese anime, comic books, at sports movies, nagkaroon ng mas enchanced version o ito’y inire-shoot para sa mas malaking theatrical release na sinasabing mas promising na maging mas malaki at exciting ang mapapanood sa Oktubre 5.
“We didn’t change the story. It’s still the same narrative that people loved from the QCinema version. What we found out is that kids responded really well to the movie. So what we did is to make I more palatable to them by adding more action scenes and anime-inspired graphics,” paliwanag ni Vergara nang makausap namin ito sa presscon ng Patintero.
Bukod sa positibong teme, layunin ng pelikula na muling ipakilala ang larong Patintero at iba pang larong Pinoy sa mga bata ngayon na mas tutok sa tenchology games.
“At the end of the day, our goal is to creat an entertaining film. But we’re (also) hoping that through this movie, we can start a movements for kids to go out and play. If not, then at least we hope to create awareness that we (their parents and older siblings) once played these games,” giit pa ni Vergara na aminadong nakapaglaro ng patintero at iba pang larong Pinoy noong kabataan.
Ani Vergara, “Nagse serve rin kami into family, ‘yun ang puso ng kuwento. ‘Yung relationship ni Meng with her brother. ‘Yun ang core ng pelikula, relationship ng mag-kuya at magkapatid.”
Gradweyt ng Ateneo si Vergara na naturuan nina Marilou Diaz Abaya, Yam Laranas, Ricky Lee, Quark Henares, at iba pa. “After college nag-shadow kami ng kaunti kay direk Marilou tapos nag-branch out kami. Actually, ka-batch ko si Dan Villegas at isa siya sa matalik kong kaibigan.”
Aminado si Vergara na naunahan na siya ni Villegas at kaya lamang natagalan siyang magdirehe ay dahil, “All in the right time lang naman po. Wala lang…I submitted around sa mga festival hindi nakapasok. Parang it’s not the right time for me pa siguro. Siyempre andoon ‘yung kati na maki-join sa batch mo na mga successful na talaga ngayon,” sambit pa nito na kagagaling lang din ng China para sa exhibition ng kanyang pelikula.
Inspired ng pelikulang Shaolin Soccer (2001 movie) ang Patintero na animated ang background. “Kung naaalala n’yo po ‘yung ‘Slam Dunk’ colored lang, animated ‘yung background. Ganito rin po ang ‘Patintero’. I mean, action film talaga po siya ,medyo noong nag- research po ako ng Patintero rules siyempre kailangan lang na baliin ang mga iyon to make it more cinematic,” kuwento pa ni Vergara na nagnanais maging full time film maker balang araw na may entry uli sa QCinema this year, ang Nang Lumipad Ang Batang Agila.
Ang Patintero ay pinagbibidahan ng tatlong talented actors na sina Nafa Hilario Cruz (Meng), Isabel ‘Lenlen’ Frial (Nicay), William Buenavente (Shifty), at Claude Adrales (Z-Bpy). Kasama rin sina Katya Santos at Suzette Ranillo.
Mayroong games at surprises ang cast ng Patintero sa Oktubre 2, sa SM North Edsa para i-promote ang kanilang pelikula gayundin ang Patintero: Ang Alamat ng Patalo comic book kasama ang kids and comic book illustrators na sina Rob Cham, Arnold Arre, Carlorozy Clemente, at Mich Cervantes. At sa hapon naman ay magtutungo sila sa SM Fairview para sa Patintero tournament kaya inaanyayahan nila ang mga kabataang edad 9-12 na makisali.
Magkakaroon naman ng red carpet premiere ang Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo sa Oktubre 1, Sabado sa SM Megamall. Mapapanood na ito sa Oktubre 5 mula sa TBA at ipamahahagi ng Quantum Films.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio