Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack, lumalagari na naman sa provincial shows!

PATULOY sa pagbibigay ng kuwelang entertainment ang versatile na comedian/singer na si Mojack. Sa October 1 ay nakatakda siyang mag-show sa SM City Lipa. Bale lagari siya rito dahil after sa SM Lipa, sa hapon ay magtutungo naman siya sa Bacolod para sa isa pang show.

“May mga show ako Kuya, like iyong una ay sa October 1 sa SM Batangas. Yap kuya, lagari ako rito. Mga one pm yung sa Lipa tapos niyon ay sa Bacolod naman, ang lipad ko ay sa hapon, mga around 6 pm..

“Sa October 21 naman sa SM Batangas ay guest ako para naman sa The Singing D Contest. Para iyan sa mga drivers na may talent sa pagkanta, para naman maipakita nila ang galing nila. Na hindi lang sila magaling sa manibela, kundi pati sa kantahan din.

“The Singing D means mga kumakantang mga drivers. Ito ay sponsor ng Smart, Revicon Multivitamins, Nestle Milo, at Drivemax. Ito po ay hatid sa kanila ng Brigada News FM National,” esplika ni Mojack.

Sa October 22 ay mapapanood din si Mojack sa lalawigan naman ng Mariduque.

Kamakailan ay naging jester siya sa The Voice Kids Philippines ng ABS CBN. Kaya naman sobrang thankful ng komedyante sa mga blessing na tulad nito.

“As always, masaya ako kapag marami akong napapasaya. Iba kasi ang feelings kapag nagagawa mo iyon. Kaya thankful talaga ako sa mga biyaya at sobrang nagpapasalamat kay God!”

Si Mojack ay napapanood at napapakinggan pa rin sa 92.7 Brigada News FM every Sunday, 3 to 6 pm sa programa niyang Magpa-MP!

“Ang Brigada ay naririnig hindi lang nationwide kundi buong mundo, dahil may live streaming po kami dito sa link na www.brigada.ph,” saad pa niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …