Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, Viva artist pa rin! Career sa pagguhit, lalong lumalawig

“Gusto kong gumawa ng pelikula!” Ito ang nasambit ni Heart Evangelista kaya muli siyang pumirma ng kontrata para sa pelikula sa Viva Artist Agency.

“I’ve been happy with Viva,” anito sa contract signing na dinaluhan nina Boss Vic del Rosario at Ms. Veronique del Rosario. “Our professional relationship has been very productive.”

Ito bale ang ikalimang taon ni Heart sa VAA na hindi man masyadong naging aktibo sa paggawa ng pelikula ng nagdaang taon ay napakarami namang TV show  at commercial na ginawa. Tinatayang siyam na commercial o endorsement ang kanyang ginawa, ito’y ang Nature Spring, Palmolive Soap, Creamsilk, Ponds Flawless White, My diamond, Fh Colors, Happy Mobile, Veterans Bank, at Purefoods Corned Beef.

Naging abala rin si Heart sa kanyang career bilang visual artist. Nagkaroon na siya ng debut art exhibit ng kanyang mga painting na may titulong I Am Love Marie sa Ayala Museum noong 2014. Nasundan pa ito ng dalawang show noong 2015, isa sa Singapore at isa sa Gallery Joaquin na dinaluhan ng mga veteran artist tulad nina Orlina at Suaso. Nagkaroon din siya ng solo exhibit ngayong taon sa Ayala Museum at naging featured artist sa isang exhibit ng special Hermes bags painted with her artworks. Pinaghahandaan na rin niya ang isa pang major exhibit para sa pagtatapos ng taong 2017 at early 2018.

Na-invade na rin ng artwork ni Heart ang literature dahil siya ang nag-illustrate ng dalawang librong pambata, ang Daughter of the Sun and the Moon, na isinulat ni Rocio Olbes at ang poetry book na HaiNaku and Other Poems ni AA Patawaran.

Inaasikaso rin ni Heart ang paggawa ng libro ukol sa kanyang pagguhit na posibleng ilabas sa next year. Bale ito ang follow-up niya sa best-selling book niyang This is Me, Love Marie, ang self-help handbook ukol sa beauty and make-up na ini-release noong Nobyembre 2015.

Abala rin si Heart sa pakiki-collaborate sa fashion and beauty and personal care products. Sa February ay uumpisahan na niyang makipagtrabaho kay Mark Bumgarner para sa isang celebrated show na pagsasamahin ang fashion at art kasama rin ang pakikipag-collaborate niya sa Happin Skin para sa isang special make-up line.

Maglulunsad din si Heart ng isang pabango na tatawaging Whiff ngayong Oktubre.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …