Friday , November 15 2024

Celebrity clients ikinanta ni Sabrina M

ISINAILALIM na sa inquest proceedings kahapon ng umaga ang dating sexy star na si Sabrina M o Karen Pallasigue sa tunay na buhay, dalawang araw makaraan maaresto nitong weekend sa bahagi ng Tandang Sora sa Lungsod ng Quezon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Senior Supt. Guillermo Eleazar, non-bailable o hindi maaaring makapagpiyansa si Sabrina sa mga kasong isinampa laban sa kanya at dalawa pang kasamahang nahuli.

“Kasama siya sa ating minamanmanan nitong mga nakaraang araw at linggo dahil na rin sa impormasyon na natanggap natin. ‘Yun ang aming listahang sinusubayayan, pero ‘di ko alam kung siya ay kasama sa sinasabing 50 (celebrity) names sa listahan,” ani Eleazar.

Nag-namedrop din aniya si Sabrina ng ilang celebrities na kanyang kliyente pagdating sa ilegal na droga, ngunit bina-validate pa ito ng mga awtoridad bago magsagawa ng operasyon.

Hinimok ng QCPD chief ang mga sangkot na celebrities na kusang sumuko sa kanila para magsilbing halimbawa sa kanilang mga kasamahan.

Si Sabrina ang pangalawang nadakip na celebrity sunod sa radio DJ na si Karen Bordador.

Sumikat si Sabrina M noong dekada 90 sa mga pelikulang “Masarap ang Unang Kagat,” “Favorite Subject: Sex Education,” “Karanasan: The Claudia Zobel Story,” at iba pa.

NARCO-CELEBS ‘DI IKUKULONG
KUNG SUSUKO — GEN. BATO

TINIYAK ni PNP Director General Ronald dela Rosa kahapon, hindi ikukulong ang mga artistang gumagamit o nagtutulak ng droga kung sila ay susuko sa mga awtoridad.

“Kung mag-surrender sila, e ito naman usapang lalaki, kahit na identified sila na user, kung mag-surrender sila, para sa akin, they don’t deserve to be jailed. Kung mag-surrender sila, bigyan natin ng tsansang magbago ‘yung tao,” pahayag ni Dela Rosa.

Sinabi ito ni Dela Rosa sa mga reporter na dumalo sa pagdinig ng panukalang 2017 budget ng Department of Interior and Local Government.

“Kahit na pusher pa nga, basta mag-surrender at umamin at gusto nang magbagong buhay, pagbibigyan natin,” aniya pa.

Ayon kay Dela Rosa, ganito ang ginagawa ng PNP sa mga sumusuko sa kanila.

“Tao lang tayo. I want this (anti-illegal drugs) campaign to be as humane as possible.  Kaya nga umabot tayo ng 720,000 surrenderers dahil sa human approach natin,” aniya.

Aniya, plano nilang tipunin ang lahat ng mga artista ng isang television network na kabilang sa drug list at makikipag-usap sa kanila. Aniya ang paraang ito ay modified Oplan Tokhang.

“Halimbawa sa isang network meron silang pito o sampu sa listahan gagawin natin doon (sa network). That is modified Tokhang,  ‘yung isang modification diyan ang tawag namin sa Davao ay Taphang, tapok hangyo, gather and plead. Meaning i-gather natin ‘yung lahat ng TV personalities sa isang network, i-gather natin sa opisina nila then kausapin  sila as a group,” aniya.

“We will talk to them collectively, hindi na individually. We will tell them na you are identified, please huminto na kayo at nakakahiya kayo sa taongbayan. Idol na idol kayo ng kabataaan tapos pala  gumagamit kayo ng droga. So we will try to give them advice,” dagdag ni Dela Rosa.

Ngunit nilinaw ng PNP chief na ang mga artistang susuko ay isasailalim sa normal na proseso.

“Ipa-process natin sila, iyong normal process ay ginagawa natin sa street pushers or users ng drugs para pantay-pantay tayo.  Hindi porke artista kayo  exempted na kayo sa procedures na ginagawa natin sa ating Oplan Tokhang,” ani Dela Rosa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *