Monday , April 7 2025
knife saksak

Misis na ayaw magpasiping tinaga ni mister (Anak idinamay)

KALIBO, Aklan – Sugatan ang isang ginang makaraan tagain ng kanyang mister nang tumangging makipagsiping sa Brgy. Solido, Nabas, Aklan.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang ginang na kinilalang si Maricar Villorente, 41, habang sugatan din ang anak na tinaga rin na si Jasmine Villorente, 22, kapwa residente ng nasabing lugar.

Nakakulong sa Nabas-Philippine National Police Station ang suspek na padre de pamilya na si Jose “Jun” Villorente, 40-anyos.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa inoman ang suspek at nang makauwi ay gustong sumiping sa kanyang misis na roon muna natulog sa kuwarto ng kanyang anak na may sakit.

Nang tumanggi ang ginang ay uminit ang ulo ng mister hanggang kumuha ng itak at tinaga ang kanyang misis.

Nadaplisan sa noo si Jasmine at nang makita ng anak ay pumagitna ito sa away ng mga magulang, ngunit siya naman ang nataga ng ama sa ulo nang dalawang beses.

Kahit sugatan, nakahingi ng tulong ang mag-ina sa kanilang mga kapitbahay kaya naitakbo sa ospital.

About hataw tabloid

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *