Nag-iiyakan na naman ang KTV club owners sa Kamaynilaan dahil sa pangingikil ng dalawang ex-konsuhol sa kanila.
At may sumakay rin sa pangongotong na apat na aktibong konsuhol ‘este’ konsehal daw sa club owners.
Kamakailan, iniutos ni Yorme Erap ang MPD, MDSW at BPLO na mag-inspection sa mga KTV club at empleyado nito para masiguro na may compliance sila sa lahat ng permit ng city hall.
Maraming clubs ang sumunod at nag-comply sa mga permit na kailangan ng club workers.
Ayos na sana…pero mukhang nakasilip ang dalawang demonyong tulisan sa city hall para gamitin ang OPLAN SAGIP ANGHEL sa pangongotong sa mga club.
Sonabagan!!!
Ilang club na na-inspection na ng city hall ay pinuntahan ulit ng mga bagman ng dalawang konsuhol at pilit silang tinatarahan kapalit ng walang abala sa kanilang negosyo?!
Anak ng tungaw talaga!!!
Wala naman problema sa ilang KTV club kaso hindi malaman kung sino sa mga tarantado ang masusunod sa tongpats dahil sa dami ng sumasawsaw at nakikipag-usap sa ‘cashunduan!’
Mayor Erap, change is coming na ba sa mga KTV club sa Maynila!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com