INIHAYAG ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, marami silang natutunang magagandang gawi sa kanyang limang araw na pagbisita sa bansang Colombia.
Kabilang sa natuklasan ng PNP chief, una ay kung gaano ka-equip ang pulis sa Colombia sa mga kagamitan lalo na ang kakayahan nilang i-wire tap ang hinihinalaang drug lords doon.
Dahil may umiiral na batas, puwedeng i-wiretap ang mga kriminal upang ma-monitor ang kanilang ilegal na mga aktibidad.
Ikalawa aniya ay may batas ang Colombia na “forfeiture of properties” ng drug lords sa kanilang yaman mula sa ilegal na droga.
Sinabi ni Dela Rosa, panahon na para amyendahan ang wiretapping law upang lalong mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Hiling din niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing priority bill sa Kongreso ang wiretapping law.