TINIYAK ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, walang gagawing pagbabago sa kanilang kasalukuyang set-up o patakaran na ipinatutupad sa nagpapatuloy na anti-illegal drug campaign ng PNP.
Ito’y kahit pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan ang kampanya ng pambansang pulisya.
Sinabi ng PNP chief, mananatili ang frequency, intensity at magnitude ng kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.
Aniya, magpapatuloy ito dahil nasa kanila na ngayon ang momentum para sugpuin ang problema sa droga.
Ayon kay PNP chief, wala siyang nakikitang dahilan para ibahin ang kanilang operation plan.
Nagtungo sa bansang Colombia ang PNP chief para pag-aralan ang ilang solusyon ng nasabing bansa sa problema nila sa droga na puwedeng magamit sa Filipinas.
Inimbitahan si Dela Rosa ng US State Department sa Bogota para sa counter terrorism at counter narcotics exchange ng US State Department.