Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

50 celebs pasok sa drug list

AABOT sa 50 ang bilang ng celebrities sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tinuran nitong Sabado ni incoming Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Martin Diño, kilalang malapit sa chief executive.

Ayon kay Diño, karamihan ay gumagamit ng party drugs, habang may ilan din na tumitikim ng ibang droga.

Ibinunyag din niyang hindi bababa sa 10 ang natukoy na pusher, ngunit hindi muna ito pinangalanan ng bagong SBMA chief.

Giit niya, patikim lang ito para sa mga sumusubaybay sa anti-drug campaign ng gobyerno at bahala na ang presidente na magsapubliko ng mga pangalan.

Matatandaan, si Diño ang kandidatong nagbigay-daan para kay Duterte mula sa PDP-Laban noong nakaraang filing ng certificate of candidacy (CoC) dahil tapos na ang paghahain ng kandidatura nang magdesisyon ang noon ay alkalde pa lang ng Davao City, para lumaban sa presidential race.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …