Friday , November 15 2024

2 advance phone jammers ikakabit sa NBP

INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, dalawa pang advanced signal jammers ang ikakabit sa susunod na linggo sa New Bilibid Prison’s (NBP) building, kinaroroonan ng high-profile inmates.

Sinabi ni Aguirre, ang dalawang signal jammers ay inilabas na mula sa Bureau of Customs at maaari nang ikabit sa Building 14 ng NBP.

“Ang cost nito ay P2 million each. This is only for Building 14,” aniya, idinagdg na ang bagong signal jammers ay maaaring makaharang ng 3G at LTE-capable mobile phones.

Aniya, walang ginastos na isa mang sentimo mula sa pera ng gobyerno sa pagbili ng dalawang signal jammers, idiniing ang equipment ay donasyon ng “Good Samaritan.”

Samantala, umapela si Aguirre sa karagdagan pang donasyong signal jammers. Aniya, nais niyang magkabit nang karagdagan pang advance signal jammers sa buong maximum security compound ng NBP.

Aminado ang kalihim, bagama’t nagsagawa ng serye ng pagsalakay ang mga miyembro ng Special Action Force sa NBP, nakapagpapasok pa rin ang mga preso ng mobile phones.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *