IDINIIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat imbestigahan ng human rights advocates ang pagkakasangkot ng narco-generals at tinatawag na ‘ninja police’ sa nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte, bago siya o si PNP Chief Ronald dela Rosa ang sisihin, dapat alamin muna ng US, United Nations (UN) at European Union (EU) na nagpapatayan na ngayon ang mga sangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay Pangulong Duterte, may tinatawag na ‘silencing stage’ na bago pa man sila ikanta, inuunahan nang pinapatay ng mga narco-police ang mga dealer o runner nila ng ilegal na droga.
Iginiit din ng pangulo, hindi gawain ng mga pulis sa legitimate operations ang pagbabalot ng mga bangkay dahil Egypt lamang ang gumagawa ng ‘mummies.’
“Alam mo marami silang karibal. The most—makinig kayo—sabihin ninyo ito sa mga p***inang… bantay kayo sa akin, pagpunta ninyo dito. ‘Di ba nila alam na pati police generals at pulis involved? At lahat iyong pinatay, nagpatayan sila because unahan na nila kasi these guys will be these killers. Nagpapatayan sila kung sinong pumalit kay Garbo, sinong pumalit kay Loot. Did it ever occur to you that there was also a silencing stage? Mostly sila sila lang. Pero ang patay na’t sawi na, itinatapon nila kay Bato, sa akin, sa pulis,” ayon kay Pangulong Duterte.