MADALI lang hulaan ang bida sa kuwento naming ito, isang sikat na personalidad na ang mga dating nakatrabaho sa pinanggalingang estasyon ay nagbubunyi ngayon.
Ayon kasi sa production staff, wala na raw kasing pakikibagayang katrabaho na sobra ang pagiging TV ratings-conscious. Okey na raw sanang inaalam niya sa kanilang bawat taping day kung nag-rate ba ang umere nilang episode, pero ang hindi nila ma-take, ang kababaan ng mga rating figures daw ang nagdidikta sa hitad na ito para ma-bad trip sa trabaho.
Sey ng dati niyang co-worker, ”Hay, naku, dumating na kami sa point na sa tuwing tatanungin niya kung anong ratings namin, sasabihin naming sa kanya, ‘Ay, wala pa kaming figures, eh,’ pero sa totoo lang, nasa amin na at mababa!”
Paano naman kasing maglalakas-loob ang produksiyon na sabihin ang katotohanang sablay ang ratings ng kanilang programa? ”’Day, kapag nalaman niyang olat kami sa ratings, napa-pack up tuloy ‘yung ibang episode na ite-tape pa namin dapat!”
Naku naman, kailangan pa bang ng clue kung sinex ang hitad?
( Ronnie Carrasco III )