BINUBUO na ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang grupong tatawaging MASA MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga.
Sinabi ni DILG Secr. Ismael Sueno, kabilang sa mga miyembro nito ay volunteers mula sa lahat ng barangay sa buong bansa upang makatulong sa kampanya laban sa korupsiyon, kriminalidad at ilegal na droga.
Ayon kay Sec. Sueno, inaasahan nilang malaking tulong ang partisipasyon ng mga ordinaryong mamamayan at faith-based organizations sa pagresolba nang kinakaharap na mga problema ng bansa.
Inihayag ni Sueno, tututok ang programa sa tatlong major interventions na kinabibilangan ng advocacy and education campaigns; information gathering and reporting at community-based rehabilitation program.