Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marijuana dealer ng SoCot arestado

GENERAL SANTOS CITY – Hindi nagawang i-deliver ng isang hinihinalang pusher ang dalang sako na may lamang anim kilo ng marijuana nang mahuli sa buy-bust operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12).

Nabitag ang nagngangalang Alex Abojado, 40, laborer, residente ng San Isidro, Tampakan, South Cotabato makaraan makipagtransaksiyon sa poseur-buyer ng PDEA.

Naaresto ang suspek habang bitbit ang anim kilo ng marijuana at siyam pang pakete nito na nagkakahalaga ng P21,000.

Ang suspek ang isa sa sinasabing pinagmumulan ng marijuana sa mga karatig na bayan ng South Cotabato.

Nalaman na nagmula ang ilegal na droga sa tri-boundary ng Sarangani, Sultan Kudarat at Davao del Sur.

Paglabag sa section 5 at section 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …