NAGA CITY – Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang lalaking sinaksak at pinutulan ng ari ng kanyang kaibigan dahil sa selos sa bayan ng Baao, Camarines Sur.
Ayon kay Chief Insp. Darrio Pilapil Sola, officer-in-charge ng PNP-Baao, hindi nakayanan ng biktimang si Gaspar Ermo ang ikalawang operasyon makaraan maapektohan ang kanyang atay bunsod ng saksak sa katawan.
Kaugnay nito, nakatakdang sampahan ng kasong murder at mutilation ang suspek na si Victor Boaquenia, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Magugunitang pinagsasaksak at pinutulan ng ari ang nasabing biktima ni Boaquenia dahil sa matinding selos makaraan madatnan sa kanilang bahay ang kanyang asawa at si Ermo na magkatabi.