NAKAPASOK sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Megi at ngayon ay may local name na Helen.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,390 km silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kph at may pagbugsong 140 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Bagama’t hindi ito inaasahang dadaan sa kalakhang Luzon, maaari pa rin nitong hagipin ang mga isla sa hilagang bahagi ng ating bansa.
Binabalaan ang mga dati nang hinagupit ng bagyong Ferdie at Gener dahil sa malakas ding hangin at ulan dala ng bagyong Helen.