INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP), mahigit 1,200 suspected drug personalities ang napatay simula nang ilunsad ang tinatawag na Oplan Double Barrel.
Ang nasabing Oplan Double Barrel ay pinaigting na kampanya laban sa maliliit at malalaking drug dealers sa bansa.
Batay sa pinakabagong report ng PNP, nasa 1,216 suspects ang napatay mula noong Hulyo 1 hanggang 6:00 am kahapon, Setyembre 24.
Sa nasabing period, kabuuang 19,935 anti-drugs operations ang naisagawa ng PNP na nagresulta sa pagkakaaresto ng 18,873 suspects.