INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkalas sa joint patrol sa Estados Unidos sa South China Sea.
Sinabi ni Pangulong Duterte, bahagi ito nang pagbuo nang malaya at bagong foreign policy na tatahakin ng Filipinas.
Ayon sa pangulo, dapat tigilan na ng AFP ang pakikisama sa aniya’y kalokohang naval patrol ng US bago pa man madamay ang bansa sa giyera.
Una nang inihayag ni Pangulong Duterte ang pagpull-out ng US Special Forces sa Mindanao para bigyang-daan ang kapayapaan sa rehiyon.
Sa kabila nito, hindi pa pinuputol ng Filipinas ang military alliance sa US at nananatili aniyang maganda ang bilateral relations.
“I’m formulating a new foreign policy, e di neutral. At saka iyong sabi ng mga Amerikano, magpatrol-patrol diyan sa China Sea, I will not allow the Armed Forces to do that. Stop it. Why should we go, you go in the joint patrol, tapos nagkagiyera—kapag nagkagiyera saan ang battle ground? ‘Di ang Palawan. Kalokohan iyan. Mag-giyera lang kayo riyan. Okay na kami rito, pa-inaugurate, inaugurate na lang kami,” ani Pangulong Duterte.