INIUTOS ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng fact-finding investigation sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.
Ito ay makaraan niyang matanggap ang ilang bank documents na iniuugnay sa nangyayaring transaksiyon ng ipinagbabawal na gamot sa Bilibid.
Ayon kay Aguirre, magagamit ng NBI ang mga dokumento na ibinigay sa kanila ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) para matukoy kung saan napupunta ang kinita mula sa naturang mga transaksiyon.
Maaari aniyang napapasakamay ito sa mga protektor ng mga drug lord sa pangunguna ni Sen. Leila de Lima.
Hindi umaasa ang kalihim na ang pangalan ng senadora ang siyang nakalagay sa bank accounts, lalo’t sa testimonya ng ilang testigo ay may mga collector si De Lima.