Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristeta, sinukuan ng facilitator ng workshop

DOING radio rounds ngayon ang theatre director-actor na si Frannie Zamora. Sa mga hindi nakaaalam, minsan isang panahon ay nakarelasyon ni direk Frannie ang yumaong si Tet Antiquiera (still remember her?).

Anyway, may kinalaman ang pag-iikot ni Frannie sa ika-40 anibersaryo ng Bulwagang Gantimpala na naging produkto. Ilan din sa mga naging bahagi ng theatre group na ito ay sina Ricky Davao, Andrew de Real, Wally Bayola, Ai Ai de las Alas (who worked as their secretary), among others.

Sa kanyang guesting sa Cristy Ferminute noong Martes, off air ay ibinahagi ni Frannie na naging acting workshopper din pala nila noon si Kris Aquino. ”Kaso, sumuko sa kanya ‘yung nagpa-facilitate ng workshop,” rebelasyon niya.

Kung ganoon ay hindi pala nakompleto ni Kris ang buong workshop? No wonder, hindi siya seryoso sa kanyang pagganap, kulang sa lalim.

Samantala, sa hanay ng mga young actresses ay gustong maidirehe ni Frannie si Nadine Lustre na para sa kanya’y may depth kung umarte.

‘Yun nga lang, desmayado siya sa umiiral na sistema when it comes to the taping schedule. ”Ang kalakaran kasi ngayon sa TV, eh, tape nang tape. Pinipili roon sa taped scenes ‘yung sa tingin ng production, eh, magre-rate sa viewers. It’s all money. At saka imagine ‘yung tagal ng taping hours. Seven in the morning kunwari ang call time mo, ipa-pack up ka ng 7:00 p.m. the next day, so ikaw, bilang artista, drained na drained ka na. Hirap ka na ring magmemorya ng lines mo. At kaming mga director, kulang din sa pahinga.”

Naniniwala si Frannie na iba pa rin ang disiplina kung ang isang artista’y may stage background. ”Ang nakalulungkot lang, sa entablado, walang kita. Passion mo na lang ang dahilan kung bakit sa kabila nito, you still choose to do theatre,” aniya.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …